- Habang patuloy na lumalaki at yumayaman ang Republikang Romano sumailalim naman ito sa mga suliraning panloob na nagdulot ng krisis sa pamunuan nito.
- Sina Tiberius at Gaius Gracchus ay ilan lamang sa mga repormistang nagpanukala ng reporma sa gitna ng krisis sa Republika.
- Ang krisis ay nagbigay daan sa pagtatamo ng kapangyarihan ng mga Heneral bilang pinuno ng pamahalaan tulad nina Marius at Sulla.
- Ang unang Triumvirate ay binuo nina Pompey, Crassus, at Julius Caesar.
- Ang ikalawang Triumvirate ay binuo naman nina Octavian, Marc Anthony, at Lepidus.
- Noong 31 BC itinanghal si Ocatvian bilang nag-iisang pinuno ng Republikang Romano.
- Ang pagpapalawak ng Imperyong Romano ay nagresulta sa mga suliraning panlipunan pulitikal at pangkabuhayan. Ang mga suliraning ito ay nagbigay daan sa panahon ng mga emperador.
- Ang panahon ni Augustus ay naging simula ng Pax Romana mula 27 BC hanggang AD 180 ang Roma ay nakaranas ng kapayapaan, kaayusan at kasaganaan.
- Ang pananakop ng Roma sa Gresya ay nagbunga ng malawakang impluwensya sa kulturang Romano o ang naging resulta ng Kulturang Greco-Romano o ang pinagsanib na galling ng Griyego at Romano.
Sabado, Oktubre 17, 2015
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento