Ilang pamayanan sa baybayin ng Gresya na tinatawag ang kanilang sarili na Hellenes o Greeks ang nagkaroon ng malaking bahagi sa sibilisasyong ito. Kinilala ito sa kasaysayan bilang sibilisasyong Heleniko mula sa kanilang tawag sa Gresya na Hellas.
- Dito nagsimula ang mga lungsod-estado o polis kung saan hango ang salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya, pulitika at pulitiko.
- Karamihan sa mga polis ay may mga pamayanang matatagpuan sa matataas na lugar na tinawag na acropolis o mataas na lungsod.
- Samantala, ang ibabang bahagi naman ay tinawag na agora o pamilihang bayan.
- Bagamat napunta sila at nanirahan sa malalayong lugar, o metropolis.
- Mula sa mga Phoenician ay nakuha nila ang ideya ng alpabeto na naging bahagi naman ng kanilang sariling alpabeto. Ginamit din nila ang mga teknik ng mga Phoenician sa paggawa ng mas malalaki at mabibilis na barko.
- Sa mga Sumerian naman ay namana nila ay ang sistema ng panukat.
- sa mga Lydians ay natutuhan nila ang paggamit ng sinsilyo at barya sa pakikipagkalakalan.
- Ang polis o lungsod-estado ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus na nasa timog na bahagi ng tangway ng Gresya.
Sparta, ang Pamayanan ng mga Mandirigma
- Ang mga magsasaka mula sa nasakop na mga lugar ay dinala nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa malawak nilang lupang sakahan. Samakatwid, naging alipin ng mga Spartans ang mga helot.
- Sa lipunan ng mga Spartan, ang lahat ay nakikiisa upang mapigilan ang mga pag-aalsa ng mga helot.
Ang Athens at ang Pag-unlad Nito
- Sa simula ng 600 BC, ang Athens ay isa lamang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Gresya na tinatawag na Attica
- . Dahil sa ang pangalan ay isinusulat sa pira-pirasong palayok na tinatawag na Ostrakon, ang sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao ay tinawag na ostracism.
- . Dahil sa ang pangalan ay isinusulat sa pira-pirasong palayok na tinatawag na Ostrakon, ang sistema ng pagpapatapon o pagtatakwil sa isang tao ay tinawag na ostracism.
- Sibilisasyong Heleniko ang itinawag sa bahaging ito ng kasaysayan ng Gresya. Ito ay tumagal hanggang 400 BC at itinuring na isa sa pinakadakilang sibilisasyon sa kasaysayan ng daigdig.
- Ang mga Spartan ay kinilala dahilan sa pagiging mahusay na mandirigma at sa kanilang simple at di masining na pamumuhay.
- Sa Athens sumibol ang ideya ng demokrasya o pagbibigay ng tungkulin sa pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamahala
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento