Sabado, Oktubre 17, 2015

Araling Panlipunan Grade 8 Reviewer

Ang Minoan at Mycenean


Alexandria - Ito ang naging sentro ng kulturang Helenistiko sa Ehipto.

Kahalagahan ng heograpiya
Sa mundo ng mga sinaunang Griyego, ang karagatan ang pinakamainam na daanan sa paglalakbay. Dahil dito karamihan sa mga pamayanan nila ay matatagpuan 60 kilometro lamang mula sa baybay-dagat.
Ang mga mainam na daungan na nakapaligid sa Gresya ay nagbigay daan sa maunlad na kalakalang pandagat na naging dahilan ng kanilang maunlad na kabuhayan. Ito rin ang nagbigay daan upang magkaroon sila ng kaugnayan sa iba’t ibang uri ng tao na nakatulong naman upang mapayaman nila ang kanilang kultura at maibahagi ang kanilang mga naging tagumpay sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay sa sandaigdigan.



Ang mga Minoans



  •  Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean ay nagsimula sa Crete mga 3100 BC o bago isilang si Kristo. 



  •  Tinawag itong Sibilisasyong Minoan batay sa pangalan ni Haring Minos, ang maalamat na haring sinasabing nagtatag nito.



  • Di nagtagal, kinilala ang Knossos bilang isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito ang kabuuan ng Crete. 



  • Mga 1100 BC, ibang pangkat na naman ng mga mananalakay ang lumusob sa Crete. Sila ay kinilala bilang mga Mycenaeans na nagmula sa Gitnang Gresya.


Ang mga Mycenaean 

  • Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang Aegean ang naging sentro ng sibilisasyong Mycenaean. 

  •  Noong 1100 BC isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa Gresya at iginupo ang mga Mycenaean. Sila ay kinilalang mga Dorian. 


  • Samantala, isang pangkat naman ng tao na mayroon din kaugnayan sa mga Mycenaean ang tumungo sa timog nga Gresya sa may lupain sa Asya Manor sa may hangganan ng karagatang Aegean. Nagtatag sila ng kanilang pamayanan at tinawag itong Ionia.

  • Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang dark age o madilim na panahon na tumagal din nang halos 300 taon

  • Isang mahalagang salik ang heograpiya sa sinaunang Gresya sa uri ng sibilisasyong sumibol dito. Naging mahalagang daanan ang karagatan sa pananakop ng mga teritoryog Aegean at Mycenaean.

  •  Ang sibilisasyong Minoan na pinamumunuan ni Haring Minos ang pinakaunang sibilisasyong Aegean.

  •  Pagdating ng 1400 BC naging makapangyarihan ang mga Mycenaean sa paligid ng Aegean at yumabong na ang mga sibilisasyong Mycaenean. Subalit dahil da patuloy na digmaan sa pagitan ng mga yumayabong na iba’t ibang sibilisasyon, tinawag ang panahong ito na dark age o madilim na panahon. 









Walang komento:

Mag-post ng isang Komento