- Isa sa mga pangkat ng Indo-European ay tinawag na mga Latin sapagkat sila ay nagtayo ng mga pamayanan sa kapatagan ng Latium. Sila ang naging ninuno ng mga Romano.
- Pagkatapos ng ilang daang taon, iba pang pangkat ng tao ang dumating sa Italya. May mga tao mula sa Asya-Minor ang nagtayo ng pamayanan sa hilaga ng mga pamayanan ng mga Latin. Sila ang mga Etruscan.
- Malaki ang naging impluwensya ng kulturang Griyego sa pamumuhay ng mga
Latin. Maging ang sining nila ay makakakitaan ng impluwensyang Griyego.
Pag-usbong ng Republikang Romano - Pagsapit ng 800 BC, maraming pamayanan ng mga Latin sa gitnang bahagi ng Italya ang nagsama-sama sa isang pamayanan na tinawag na Roma.
- Pagsapit ng 800 BC, maraming pamayanan ng mga Latin sa gitnang bahagi ng Italya ang nagsama-sama sa isang pamayanan na tinawag na Roma.
- Sa gitna ng lungsod ay itinayo ang forum o pamilihan.
- Republika – isang uri ng pamahalaan kung saan
ang pinuno ay inihahalal ng mga mamamayan.
Ang Pamamahala ng Republika - Ang tagapagbatas ay bumubuo ng 300 kinatawan. Ang pinakamakapangyarihan ay ang senado. Ang 300 kinatawan ay mula sa mga patrician
- Twelve Tables na siyang naging batayan ng iba pang batas sa Roma noong mga sumunod na panahon.
- Noong 509 BC, pinabagsak ng mga Romano ang kapangyarihan ng monarkiyang Etruscan at sila ay nagtatag ng isang Republika.
- Pagsapit ng 471 BC ang mga Plebeian o mga karaniwang mamamayan ay nagalsa laban sa mga patrician upang mapabuti ang kanilang katayuan at noong 287 BC may pantay na karapatan na ang mga Plebeian at patrician.
- Mula sa Republikang Romano nagsimula ang pagkakaroon ng mga pormal na
sangay ang pamahalaan gaya ng tagapagpaganap (executive) at tagapagbatas
(legislative). Nanggaling sa pamahalaang Romano noong panahong ito ang mga
konsepto ng republika at senador na sinusunod pa maging sa kasalukuyan
panahon.
Sabado, Oktubre 17, 2015
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento