Aralin 12: Ang Kabihasnang Greek
Kabihasnang Greek – Sila ang nagpatangyag sa Kabihasnang Klasikal, kumpara sa ilog sila ay nakasentro sa Karagatan.
Greece- nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa timog-silangang europa.
Hellene – tawag ng mga Greek sa kanilang sarili
Hellas – tumutukoy sa kabuuang lupain ng sinaunang Greece
Panahong Hellenic (800 B.C.E – 338 B.C.E) – tugatog ng kasikatan ng Kabihasnang Greek hanggang sa pagtatapos nito noong 338 B.C.E: Ang unang paligsahan ng mga laro bilang parangal kay Zeus ang naging hudyat ng pagsisimula ng panahong ito.
Polis – city-state sa Greece; Malaya ito at may sariling pamahalaan ang bawat isa at nakasentro sa iisang lungsod, binubuo ng magkakamaganak at isang Hari.
Acropolis – pinakamataas na lugar sa isang polis.
Agora – gitna ng lungsod at dito ay maaaring magtinda at magtipon-tipon.
2 lungsod ang naging tanyag; ang Athens at Sparta.
Athens: Isang Demokratikong Polis
Athens – ito ang naging sentro ng kalakalan at kultura ng Greece. Binago ng Athens ang kanilang pamamahala at nagtatag ng pamahalaan ng mga lupon ng mga dugong bughaw, ang tawag sa ganitong uri ng pamamahala ay Oligarkiya o Oligarchy
594 B.C.E – pinalawig ang pamamahala ng Demokrasya
3 nagpalawig ng Demokrasya sa Athens
Solon – nilikha nya ang Council of 400; binigyan ng karapatan ng pagiging mamamayan ang mga mangagawa na hindi ipinanganak sa Athens.
Pisistratus – ipinagtanggol niya ang katayuan ng mahihirap, ipinamahagi nya ang mga lupain ng mayayaman sa mga mahihirap na walang lupa.
Cleisthenes – sinimulan nya ang paghihintulot sa mga mamamayan na palayasin ang isang opisyal na sa tingin nila ay masama, ang sistemang ito ay tinawag na Ostracism.
Direct democracy ang ipinaiiral sa Athens, ngunit hindi kabahagi sa sistemang ito ang kababaihan at mga banyaga.
Pericles (443 B.C.E – 429 B.C.E) – sa kanyang panahon naranasan ang tugatog ng Demokrasya saAthens.
Sparta : Isang Mandirigmang Polis
Sparta – nagpalawig naman ito ng lupain at sinakop ang ibang karatig sa rehiyon. Nanatili ang layunin nito na lumikha ng magagaling na mandirigma.
7 taong gulang - iniaalis sa kanilang tahanan at dinadala sa kampo upang sanayin
20 taong gulang – ganap na silang sundalo at maaari nang magpakasal ngunit kailangan parin manatili sa kampo.
Helot – mga magsasakang nagmula sa kanilang nasakop na lupain.
Banta ng Persia
499 B.C.E – sinalakay ni Darius I, kahalili ni Cyrus the Great sa trono, ang mga kalapit na kolonya ng Greek, nagpadala ang Athens ng tulong ngunit natalo parin ang pwersa nito.
Bilang paghahanda sa pagnanalakay ng Persia, sinimulan ng Athens ang pagpapagawa ng Plota o Fleet.
Ang Digmaang Graeco – Persia (499 B.C.E – 479 B.C.E)
490 B.C.E Battle of Marathon – humiling ng tulong ang Athens sa Sparta laban sa Persia, ngunit hindi dumating, at nanalo parin ang mga Athens.
480 B .C.E – Battle of Thermopylae – ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Darius ang pagpapabagsak sa Athens at tinalo ang pwersa ng Sparta at sinunog ang Acropolis matapos bihagin ang Athens.
Battle of Salamis – hindi nawalan ng pag-asa ang Athens at tinipon ang mga barko nito at natalo ang plota ni Xerxes.
Battle of Plataea – tinalo ng Athens ang mga nalalabing pwersa ng Persian sa Greece, bumalik si Xerxes sa Asia Mino at kinalimutan ang tangkang sakupin ang Athens.
Digmaang Peloponnesian( 431 B.C.E – 404 B.C.E )
Delian League – federation na binuo ng mga pinagbuklod na lungsod-estado sa Greece. Ngunithindi naging maganda ang kinahinatnan ng Delian League, inuna ng Athens ang kanilang kapakanan at hindi naging ganap ang pagbubuklod ng mga lungsod-estado kung hindi naging daan upang mapalawig ang nasasakupan ng Athens.
Digmaang Peloponnesian – dahil sa alitan ng mga lungsod-estado ay sumiklab ang digmaan laban sa Athens at ang namuno sa laban dito ay ang mga Sparta, at nagwagi ang Sparta noong 404 B.C.E.
Ngunit ang pagkatalo ng Athens ay hindi sapat upang tuldukan ang mga alitan na nagaganap sa pagitan ng mga lungsod-estado hanggang sa bumagsak ang Sparta sa Labanang Leuctra noong 371 B.C.E.Iniwan ng Digmaang ito ang Greece na mahina at watak-watak.
Imperyong Macedonian (336 B.C.E – 263 B.C.E )
King Phillip – balak niyang pagisahin ang Greece sa ilalim ng kanyang pamamahala.
338 B.C.E – tinalo ni King Phillip ang Athens at Thebes sa Labanan sa Chaerona sa Boeotia. Ito ay naghudyat ng pagtatapos ng mga lungsod-estado at ang buong Greece maliban sa Sparta ay napasailalim sa kapangyarihan ng Macedonia.
Alexander the Great – Nagtatag sya ng isang imperyo na sumakop sa kabuuan ng Kanlurang Asya, Egypt at India. Pinalawak nya ang Kabihasnang Asyano at Greek.
Kabihasnang Hellenistic – itinawag sa Kabihasnang Greece na hango sa salitang greek na “ gayahin ang mga greek”.
323 B.C.E – namatay si Alexander the Great sa sakit sa Mesopotamia sa gulang na 32 taon.
Pamana ng Kabihasnang Greek
Agham
· Pythagoras – Geometry, Pythagorean theorem
· Archimedes – Circumference, Specific Gravity
· Euclid – “Father of Geometry”
· Aristarchus – rotation of the earth
· Erastosthenes – circumference ng Daigdig, latitude and longitude
Arkitektura
· Pathenon – templo na alay sa diyosa na si Athena, tama nga disenyo at proporsyon nito.
· Doric - pinakapayak
· Ionic – scroll ang kapital
· Corinthian – pinakamagarbong dekorasyon sa lahat.
Drama
· Drama- ritwal sa mga pista para kay Dionysius, diyos ng alak
Istruktura
· Karamihan ng istruktura sa Greek ay gawa sa tanso at marmol.
· Phidias – pinakamagaling na iskultor, gumawa ng mga palamuti sa Parthenon.
· Praxiteles – lumikha ng estatwa ni hermes
Medisina
· Hippocrates – lumikha ng paaralan para sa medisina.
· Herophilus – ama ng Anatomy
· Erasistratus – Ama ng Physiology
Alpabeto
· Tinanggap nila ang Phoenician Alphabet at dinagdagan ng consonant at vowel.
Kasaysayan
· Herodotus – “Ama ng kasaysayan”; History of the Persian War.
· Thucydides –History of the Peloponnesian War
Pananampalataya
· Hera – diyosa ng pag-aasawa
· Aphrodite – diyosa ng pagibig
· Apollo – diyos ng araw
· Artemis – diyosa ng kalikasan
· Demeter – diyosa ng butyl at ani
· Athena – karunungan at digmaan
· Dionysus – diyos ng alak at ng halaman
· Hephaestus – diyos ng apoy
· Hermes – tagapaghatid ng mga mensahe
· Poseidon – diyos ng karagatan
· Oracle – templo na tuwi-tuwina’y dinadalaw ng mga diyos.
Pilosopiya
· Socrates – “the unexamined life is not worth living”
· Plato – istudyante ni Socrates; sa akdang Republic inilahad ang kanyang ideyal na estado; “Ang Batas ay para sa lahat”.
· Aristotle – pinakamatalinong estudyante ni Plato; “ang anumang teorya ay dapat lamang tangapin kung sangayon ito sa mga datos na naobserbahan”.
-end-
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento