- Tinatawag nilang barbaro o mga taong may paurong na sibilisasyon ang mga di Griyego.samantala ang mga kapwa Griyego ay itinuturing nilang edukado at sibilisado.
- Hellespont (isang dagat-kipot, na kilala na ngayon bilang Dardanelles, na nasa pagitan ng karagatang Marmara at Karagatang Aegean).
- Pagkatapos ay tinalunton nila ang makitid na daan sa kabundukan ng Thermopylae. Dito nila nakasagupa ang mga Griyego na noon ay pinamumunuan ng mga Spartan. Matapos ang tatlong araw na labanan na tinawag na Digmaan sa Thermopylae, natalo at walang awang napatay ang mga Griyego.
- Nagkasundo ang aliyansa na mag-ambag ng barko, sundalo at salapi sa kanilang alyansa na kinilala bilang Delian League dahilan sa ang naging sentro nito ay ang isla ng Delos.
- May mga lungsod-estado na nagnais tumiwalag sa alyansa ngunit di sila pinayagan ng Athens. Ito ang nagbigay daan sa pagkakatatag ng Imperyong Athenian.
- Ilan sa mga labi ng iskulturang Griyego ay matatagpuan din sa mga templo ng Crete, Mycenaea, at Tiryus. Ang pinakadakilang Griyegong iskultur ay si Phidias
- Kinilala rin ang kontribusyon ni Herodotus sa larangan ng kasaysayan. Ang kanyang mga paglalakbay sa Asya at Spuka ay nakatulong upang maging obra maestra niya ang Kasaysayan ng Digmaang Persian. Tinawag siyang Ama ng Kasaysayan. Sinundan ito ng isa pang historyador, si Thucydides. Ilan sa mga isinulat niya ay ang Anabis, isang kwento ng sikat na martsa ng mga Griyego mula sa Babylonia hanggang Dagat na Itim at Memorabilia na kalipunan ng mga kwento ng guro niyang si Socrates.
- st. Isa na rito ay si Socrates. Ayon sa kanya mahalaga na kilalanin mo ang iyong sarili (know thyself).
- Ang pinakatanyag ay ang Republic, isang talakayan tungkol sa katangi-tanging polis at ang uri ng pamahalaan na makapagbibigay ng kaligayahan sa mga mamamayan nito.
Digmaang Peloponnesian
Hindi lahat ng lunsod-estado ay sumang-ayon sa ginawa ng Athens na
pagkontrol sa Delian League subalit wala silang nagawa upang umalis sa alyansa.
Kayat ang mga lungsod-estado na kasapi sa Delian League tulad ng Sparta, Corinth at
iba pa ay nagtatag ng sarili nilang alyansa sa pamumuno ng Sparta at tinawag itong
Peloponnesian League.
Ang dalawampu’t pitong taong Digmaan ng Peloponnesian ay isang malaking
trahedya para sa Gresya.
Naging sentro ng kaunlaran ng sinaunang Gresya ang Athens. Sa kanyang
ginuntuang panahon (416-404 BC) yumabong ang kultura, sining, pilosopiya at
pulitikang Gresya. Nakilala ang mga pilosopong Griyego gaya nina Socrates, Plato
at Aristotle, sa larangan pulitika ay nakilala naman si Pericles. Sa agham at
syensiya, ibinigay ng Gresya sa daigdig sina Hippocrates, Thales ng Militus, at
35
Pythagoras. Sa sining ay may malaking ambag sina Phidias at Praxiteles. Si
Herodotus ang itinituring na Ama ng Kasaysayan.
Ang Digmaang Peloponnesian ay nagdulot ng malaking trahedya sa Gresya.
Nagbunga ito ng pagkalagas ng populasyon ng Gresya, pagkawasak ng
mahahalagang likha ng sining, at pagkalugmok ng mga ekonomiya ng Sinaunang
Gresya.
Sa pamamagitan ni Alexander nagkaroon ng uganyan ang kulturang Griyego sa
kulturang Asyano na nagbukas ng daan sa Sibilisasyong Helenistiko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento