Sabado, Oktubre 17, 2015


  •  Habang patuloy na lumalaki at yumayaman ang Republikang Romano sumailalim naman ito sa mga suliraning panloob na nagdulot ng krisis sa pamunuan nito. 
  •  Sina Tiberius at Gaius Gracchus ay ilan lamang sa mga repormistang nagpanukala ng reporma sa gitna ng krisis sa Republika. 
  •  Ang krisis ay nagbigay daan sa pagtatamo ng kapangyarihan ng mga Heneral bilang pinuno ng pamahalaan tulad nina Marius at Sulla.
  •  Ang unang Triumvirate ay binuo nina Pompey, Crassus, at Julius Caesar. 
  •  Ang ikalawang Triumvirate ay binuo naman nina Octavian, Marc Anthony, at Lepidus. 
  •  Noong 31 BC itinanghal si Ocatvian bilang nag-iisang pinuno ng Republikang Romano. 
  •  Ang pagpapalawak ng Imperyong Romano ay nagresulta sa mga suliraning panlipunan pulitikal at pangkabuhayan. Ang mga suliraning ito ay nagbigay daan sa panahon ng mga emperador. 
  •  Ang panahon ni Augustus ay naging simula ng Pax Romana mula 27 BC hanggang AD 180 ang Roma ay nakaranas ng kapayapaan, kaayusan at kasaganaan.
  •  Ang pananakop ng Roma sa Gresya ay nagbunga ng malawakang impluwensya sa kulturang Romano o ang naging resulta ng Kulturang Greco-Romano o ang pinagsanib na galling ng Griyego at Romano. 


  • Isa sa mga pangkat ng Indo-European ay tinawag na mga Latin sapagkat sila ay nagtayo ng mga pamayanan sa kapatagan ng Latium. Sila ang naging ninuno ng mga Romano. 
  • Pagkatapos ng ilang daang taon, iba pang pangkat ng tao ang dumating sa Italya. May mga tao mula sa Asya-Minor ang nagtayo ng pamayanan sa hilaga ng mga pamayanan ng mga Latin. Sila ang mga Etruscan. 
  • Malaki ang naging impluwensya ng kulturang Griyego sa pamumuhay ng mga Latin. Maging ang sining nila ay makakakitaan ng impluwensyang Griyego.


    Pag-usbong ng Republikang Romano
  • Pagsapit ng 800 BC, maraming pamayanan ng mga Latin sa gitnang bahagi ng Italya ang nagsama-sama sa isang pamayanan na tinawag na Roma. 
  • Pagsapit ng 800 BC, maraming pamayanan ng mga Latin sa gitnang bahagi ng Italya ang nagsama-sama sa isang pamayanan na tinawag na Roma. 
  • Sa gitna ng lungsod ay itinayo ang forum o pamilihan. 
  • Republika – isang uri ng pamahalaan kung saan ang pinuno ay inihahalal ng mga mamamayan.

    Ang Pamamahala ng Republika 
  • Ang tagapagbatas ay bumubuo ng 300 kinatawan. Ang pinakamakapangyarihan ay ang senado. Ang 300 kinatawan ay mula sa mga patrician
  • Twelve Tables na siyang naging batayan ng iba pang batas sa Roma noong mga sumunod na panahon.  
  • Noong 509 BC, pinabagsak ng mga Romano ang kapangyarihan ng monarkiyang Etruscan at sila ay nagtatag ng isang Republika. 
  • Pagsapit ng 471 BC ang mga Plebeian o mga karaniwang mamamayan ay nagalsa laban sa mga patrician upang mapabuti ang kanilang katayuan at noong 287 BC may pantay na karapatan na ang mga Plebeian at patrician. 
  • Mula sa Republikang Romano nagsimula ang pagkakaroon ng mga pormal na sangay ang pamahalaan gaya ng tagapagpaganap (executive) at tagapagbatas (legislative). Nanggaling sa pamahalaang Romano noong panahong ito ang mga konsepto ng republika at senador na sinusunod pa maging sa kasalukuyan panahon.















Aralin 12: Ang Kabihasnang Greek

Kabihasnang Greek – Sila ang nagpatangyag sa Kabihasnang Klasikal, kumpara sa ilog sila ay nakasentro sa Karagatan.
Greece- nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa timog-silangang europa.
Hellene – tawag ng mga Greek sa kanilang sarili
Hellas – tumutukoy sa kabuuang lupain ng sinaunang Greece
Panahong Hellenic (800 B.C.E – 338 B.C.E) – tugatog ng kasikatan ng Kabihasnang Greek hanggang sa pagtatapos nito noong 338 B.C.E: Ang unang paligsahan ng mga laro bilang parangal kay Zeus ang naging hudyat ng pagsisimula ng panahong ito.
Polis – city-state sa Greece; Malaya ito at may sariling pamahalaan ang bawat isa at nakasentro sa iisang lungsod, binubuo ng magkakamaganak at isang Hari.
Acropolis – pinakamataas na lugar sa isang polis.
Agora – gitna ng lungsod at dito ay maaaring magtinda at magtipon-tipon.
2 lungsod ang naging tanyag; ang Athens at Sparta.

Athens: Isang Demokratikong Polis

Athens – ito ang naging sentro ng kalakalan at kultura ng Greece. Binago ng Athens ang kanilang pamamahala at nagtatag ng pamahalaan ng mga lupon ng  mga dugong bughaw, ang tawag sa ganitong uri ng pamamahala ay Oligarkiya o Oligarchy
594 B.C.E – pinalawig ang pamamahala ng Demokrasya

3 nagpalawig ng Demokrasya sa Athens

Solon – nilikha nya ang Council of 400; binigyan ng karapatan ng pagiging mamamayan ang mga mangagawa na hindi ipinanganak sa Athens.
Pisistratus – ipinagtanggol niya ang katayuan ng mahihirap, ipinamahagi nya ang mga lupain ng mayayaman sa mga mahihirap na walang lupa.
Cleisthenes – sinimulan nya ang paghihintulot sa mga mamamayan na palayasin ang isang opisyal na sa tingin nila ay masama, ang sistemang ito ay tinawag na Ostracism.
Direct democracy ang ipinaiiral sa Athens, ngunit hindi kabahagi sa sistemang ito ang kababaihan at mga banyaga.
Pericles (443 B.C.E – 429 B.C.E) – sa kanyang panahon naranasan ang tugatog ng Demokrasya saAthens.

Sparta : Isang Mandirigmang Polis

Sparta – nagpalawig naman ito ng lupain at sinakop ang ibang karatig sa rehiyon. Nanatili ang layunin nito na lumikha ng  magagaling na mandirigma.
7 taong gulang  - iniaalis sa kanilang tahanan at dinadala sa kampo upang sanayin
20 taong gulang – ganap na silang sundalo at maaari nang magpakasal ngunit kailangan parin manatili sa kampo.
Helot – mga magsasakang nagmula sa kanilang nasakop na lupain.

Banta ng Persia

499 B.C.E – sinalakay ni Darius I, kahalili ni Cyrus the Great sa trono, ang mga kalapit na kolonya ng Greek, nagpadala ang Athens ng tulong ngunit natalo parin ang pwersa nito.
Bilang paghahanda sa pagnanalakay ng Persia, sinimulan ng Athens ang pagpapagawa ng Plota o Fleet.
Ang Digmaang Graeco – Persia (499 B.C.E – 479 B.C.E)
490 B.C.E  Battle of Marathon – humiling ng tulong ang Athens sa Sparta laban sa Persia, ngunit hindi dumating, at nanalo parin ang mga Athens.
480  B .C.E – Battle of Thermopylae – ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Darius ang pagpapabagsak sa Athens at tinalo ang pwersa ng Sparta at sinunog ang Acropolis matapos bihagin ang Athens.
Battle of Salamis – hindi nawalan ng pag-asa ang Athens at tinipon ang mga barko nito at natalo ang plota ni Xerxes.
Battle of Plataea – tinalo ng Athens ang mga nalalabing pwersa ng Persian sa Greece, bumalik si Xerxes sa Asia Mino at kinalimutan ang tangkang sakupin ang Athens.
Digmaang Peloponnesian( 431 B.C.E – 404 B.C.E )
Delian League – federation na binuo ng mga pinagbuklod na lungsod-estado sa Greece. Ngunithindi naging maganda ang kinahinatnan ng Delian League, inuna ng Athens ang kanilang kapakanan at hindi naging ganap ang pagbubuklod ng mga lungsod-estado kung  hindi naging daan upang mapalawig ang nasasakupan ng Athens.
Digmaang Peloponnesian – dahil sa alitan ng mga lungsod-estado ay sumiklab ang digmaan laban sa Athens at ang namuno sa laban dito ay ang mga Sparta, at nagwagi ang Sparta noong 404 B.C.E.
Ngunit ang pagkatalo ng Athens ay hindi sapat upang tuldukan ang mga alitan na nagaganap sa pagitan ng mga lungsod-estado hanggang sa bumagsak ang Sparta sa Labanang Leuctra noong 371 B.C.E.Iniwan ng Digmaang ito ang Greece na mahina at watak-watak.
Imperyong Macedonian (336 B.C.E – 263 B.C.E )
King Phillip – balak niyang pagisahin ang Greece sa ilalim ng kanyang pamamahala.
338 B.C.E – tinalo ni King Phillip ang Athens at Thebes sa Labanan sa Chaerona sa Boeotia. Ito ay naghudyat ng pagtatapos ng mga lungsod-estado at ang buong Greece maliban sa Sparta ay napasailalim sa kapangyarihan ng Macedonia.
Alexander the Great – Nagtatag sya ng isang imperyo na sumakop sa kabuuan ng Kanlurang Asya, Egypt at India. Pinalawak nya ang Kabihasnang Asyano at Greek.
Kabihasnang Hellenistic – itinawag sa Kabihasnang Greece na hango sa salitang greek na “ gayahin ang mga greek”.
323 B.C.E – namatay si Alexander the Great sa sakit sa Mesopotamia sa gulang na 32 taon.

Pamana ng Kabihasnang Greek

Agham
·         Pythagoras – Geometry, Pythagorean theorem
·         Archimedes – Circumference, Specific Gravity
·         Euclid – “Father of Geometry”
·         Aristarchus – rotation of the earth
·         Erastosthenes – circumference ng Daigdig, latitude and longitude
Arkitektura
·         Pathenon – templo na alay sa diyosa na si Athena, tama nga disenyo at proporsyon nito.
·         Doric - pinakapayak
·         Ionic – scroll ang kapital
·         Corinthian – pinakamagarbong dekorasyon sa lahat.
Drama
·         Drama- ritwal sa mga pista para kay Dionysius, diyos ng alak
Istruktura
·         Karamihan ng istruktura sa Greek ay gawa sa tanso at marmol.
·         Phidias – pinakamagaling na iskultor, gumawa ng mga palamuti sa Parthenon.
·         Praxiteles – lumikha ng estatwa ni hermes
Medisina
·         Hippocrates – lumikha ng paaralan para sa medisina.
·         Herophilus – ama ng Anatomy
·         Erasistratus – Ama ng Physiology
Alpabeto
·         Tinanggap nila ang Phoenician Alphabet at dinagdagan ng consonant at vowel.
Kasaysayan
·         Herodotus – “Ama ng kasaysayan”; History of the Persian War.
·         Thucydides –History of the Peloponnesian War
Pananampalataya
·         Hera – diyosa ng pag-aasawa
·         Aphrodite – diyosa ng pagibig
·         Apollo – diyos ng araw
·         Artemis – diyosa ng kalikasan
·         Demeter – diyosa ng butyl at ani
·         Athena – karunungan at digmaan
·         Dionysus – diyos ng alak at ng halaman
·         Hephaestus – diyos ng apoy
·         Hermes – tagapaghatid ng mga mensahe
·         Poseidon – diyos ng karagatan
·         Oracle – templo na tuwi-tuwina’y dinadalaw ng mga diyos.
Pilosopiya
·         Socrates – “the unexamined life is not worth living”
·         Plato – istudyante ni Socrates; sa akdang Republic inilahad ang kanyang ideyal na estado; “Ang Batas ay para sa lahat”.

·         Aristotle – pinakamatalinong estudyante ni Plato; “ang anumang teorya ay dapat lamang tangapin kung sangayon ito sa mga datos na naobserbahan”.


-end-

Aralin 13 : Ang Republic ng Rome at ang Imperyong Roman
Rome (800 B.C.E) – itinatag ng isang sangay ng mga Indo-Europeo, Sila ang mga Latin at napili nilang lugar ay Palatine.
Palatine – isa sa pitong burol malapit sa Tiber River

700 B.C.E
Etruscan – kalapit na tribu sa hilaga at nakatalo sa mga latin; nagdala sila ng mga kaugalian lalo na sa pulitika.
Senate – lupon ng mga tagapayo sa Hari; binubuo ng mga Patrician o mahalagang tao sa Lipunan
Plebeian – binubuo ng mga pangkaraniwang tao.
509 B.C.E – nagrebelyon ang mga Roma laban sa Etruscan at nagtatag ng Republic.
Republic – itinatag ng mga Roma matapos silang mag-alsa laban sa mga Etruscan kung saan ang mamamayan ay humihirang ng kanilang kinatawan sa pamahalaan, at tuluyan nang nawala sa posisyon ang Hari.
 Consul – ito ang ipinalit sa pagka-alis ng Hari sa posisyon; 2 ang hinahalal na Consul na mula sa mga Patrician , at may tungkuling pamunuuan ang pamahalaan.
Senate – nang itinatag ang Republic sila ang naging pinakamakapangyarihan.Ito ay binubuo ng 300 na kasapi na hinirang ng mga consul.

Mga Sakop ng Kapangyarihan ng Isang  Senate

1.      Sakop ang Ugnayang Panlabas o Foreign Affairs
2.      May kapangyarihang magpawalang-bisa ng batas
3.      Nagbibigay pahintulot sa paggamit ng salapi ng pamahalaan
4.      Ang pagkakahirang sa kanila ay panghabambuhay.

Plebeian : Pantay na Karapatan, Ipinaglaban

Assembly – ito ay nilikha upang kumatawan sa karaniwang tao
Tribune – inihalal upang pangalagaan ang karapatan ng mga Plebeian; maaari silang magpawalang –bisa sa kahit anobg batas na mapang- api sa mahihrap.
449 B.C.E – nagtagumpay ang hiling ng mga Plebeian na isulat ang lahat ng Batas ng  Rome at isinulat ito sa 12 clay tablet  at nakilala bilang Twelve Tables.

Rome : Pinakamakapangyarihan sa Mediterranean

Latin League – isang alyansang itinatag laban sa iba pang tribu sa rehiyon

2 layunin ng Rome sa Pagtatatag ng Latin League

1.      Ipagtanggol ang Estado
2.      Makakuha ng karagdagang lupang sasakahin
390 B.C.E – sinalakayat sinunog ng Gaul ang Rome, ngunit hindi parin nahadlangan ang layunin ng Rome na itatag ang Latin League. Tinalo nila ng tuluyan ang mga Etruscan sa gitnang Italy.
Magna Graecia o Great Greece – matagal nang tinitirahan ng mga Greek, at ang huling balakid sa pagpapawalig ng kapangyarihan ng Rome.
Pyrrhus – kamag-anak ni Alexander the Great at humingi sa kanya ng tulong ang Greece laban sa mga Roma.
280 B.C.E – tinalo ni Pyrrhus ang lumalawig na kapangyarihan ng Romem subalit tumanggi ang Senate ng Rome sa alok nyang kapayapaan. Sa laking pinsala ng kanyang hukbo, sya ay bumalik sa Greece.
270 B.C.E – madali na lamang tinalo ng Rome ang mga kolonya ng Greece at ito na ang naging pangunahing lungsod sa gitna at timog Italy.
Rome laban sa Carthage
Carthage – itinatag ng mga Phoenician at naging kalaban ng Rome sa Mediterranean.
264 – 146 B.C.E – sumabak ang Carthage at Rome sa tatlong Digmaan na tinatawag na DIgmaang Punic
Punic – mula sa Latin na “Punicus” at Poeni, kung saan kilala ng Romans ang mga Carthaginians.

Unang Digmaang Punic (264 B.C.E – 241 B.C.E)

 – nanalo ang Rome. Walang malakas na plota ang Rome subalit naig parin ito laban sa Carthage noong 241 B.C.E.  Nagsanay pa ang Rome ng mga sundalo at bilang tanda ng pagkapanalo, sinakop nito ang Sicily, ang unang lalawigan ng Rome sa labas ng territory nito.

Ikalawang Digmaang Punic (218 – 202 B.C.E)

- Sinalakay ni Hannibal, heneral ng Carthage ang Saguntum sa Spain na alyado sa Rome. Kasama ang 40,000 na sundalo tinawid nila ang timog France at Bundok Alps at tinalo ang malaking hukbo sa Cannae, subalit hinintay ni Hannibal ang karagdagang pwersa ngunit sinalakay ni Scipio Africannus, isang Roman General, ang Hilangang Africa. Hindi na nagpatuloy pa si Hannibal at kanyang sinagip ang kanyang kababayan, at sya ay natalo sa labanan sa Zama noong 202 B.C.E. Pumayag ang Carthage sa isang kasunduan na sirain ang plota nito at magbayad taun-taon  ng buwis sa Rome.

Ikatlong Digmaang Punic (149 B.C.E – 146 B.C.E)
 – matapos ang 50 na taon, sinalakay ng Carthage ang isang kaalyado ng Rome, at sinalakay ng Rome ang Carthage, ginawang alipin ang mga mamamayan at kinuha ang lahat ng mga pag-aari.

Tagumpay sa Silangan

Matapos ang Ikatlong Digmaang Punic, ang mga hukbo ng Rome ay nagtungo sa Macedonia at napasailalim ang iba pang lungsod-estado ng Greece.
100 B.C.E – napasakamay ng Rome ang lahat ng lupain sa may baybayin ng Mediterranean at tinawag ng mga Roman ang Mediterranean bilang Mare Nostrum o Aming Dagat.

Pagbabago dulot sa Paglawak ng Kapangyarihang Roman

·         Dinagdagan ng Senate ang kapangyarihan at katanyagan nito at ang mga Assembly ay naging nagapagpatibay na lamang ng mga batas na nais ng Senate.
·         Lubos na nasira ang mga sakahan sa Rome sa pamiminsala ni Hannibal, nawalan ng lupang sakahan ang mga magsasaka
·         War Booty – yaman na napanalunan sa mga digmaan
·         Nakinabang sa mga War booty ang mayayaman at higit nang lumawak ang agwat nito sa mahihirap.
·         Nagiba ang ugali ng mga tao tungo sa pamahalaan, naging sakim sila at nabulag sa marangyang pamumuhay.

Ang Banta ng Digmaang Sibil

Tiberius at Gaius Gracchus – magkapatid na tribune; ayon sa kanila, mapanganib sa katatagan ng Republic ang lumalaking agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap.
133 B.C.E – nagpanukala ng batas si Tiberius Gracchus na ipapamahagi ang mga lupain nakuha mula sa digmaan , upang magkaroon ang mga mahihirap ng lupang sakahan. Nais din nyang limitahan ang lupain na maaring ariin ng mga mayayaman. Dahil dito, ipinapatay sya ng isang grupo ng mayayaman.
123 B.C.E – ipinagpatuloy ni Gaius Gracchus ang sinimulan ni Tiberius. Pinapatay ang kanayang mga taga-sunod at sya at nagpatiwakal.
105 B.C.E - Sa pagkamatay ng magkapatid na Gracchus, sumiklab ang serye ng rebelyon at nauwi sa digmaang sibil.
Sulla – naging diktador sa pagbalik ng kaayusan sa Roma, ginawa nyang 600 ang miyembro ng senate at inalis ang karapatan ng assembly na maghain ng batas.
Triumvirate – isang union na mangangasiwa sa pamahalaan; binuo nina Julius Caesar, Pompey, at Crassus.

Julius Caesar 
- naging gobernador ng gaul at napalawak nya ito hanggang France at Belgium. Inutusan sya ng senate na bumalik sa Rome ng walang kasamang hukbo ngunit sinalungat nya ito at bumalik sa Rome kasama ang kanyang hukbo. Sa takot kay Caesar, tumakas ang senate kabilang si Pompey sa Greece ngunit hinabol sya ni Caesar at pinatay.
Pagbalik sa Rome sya ay ginawang diktador
·            Binawasan nya ang kapangyarihan ng senate at ginawa itong 900 na miyembro
·            Binigyan ng Roman Citizenship ang naninirahan sa Italy
·            Inayos ang pagbabayad ng buwis

v    Nangamba ang senate na baka wakasan ni Caesar ang Republic at maging “rex” o ideklara ang sarili bilang Hari, kaya’t nagplano silang patayin si Caesar.
Marcus Brutus – matalik na kaibigan ni Caesar, kabilang sa mga kasabwat sa pagkamatay nito.

Augustus: Unang Roman Emperor

Octavian – apo sa pamangkin ni Caesar na ginawa nyang tagapagmana bago mamatay.
43 B.C.E – binuo ni Octavian ang Second Triumvirate kasama sina Mark Antony at Marcus Lepidus
Naghati sa kapangyarihan si Octavian at Mark Antony
Rome at Kanluran – Octavian
Egypt at Silangan – Mark Antony
Cleopatra – reyna ng Egypt; napamahal kay Mark Antony at binigyan sya ng lupa.
Nakarating sa Rome ang balak nina Mark antony na sumalakay, Bumuo si Octavian ng hukbo at sa naganap na labanan sa Actium, sinundan ni Mark Antony si Cleopatra at iniwan ang kanyang hukbo, nagpakamatay sila.
Augustus – pangalan na iginawad ng senate kay Octavian na ginagamit patungkol sa isang banal na lugar o banal na akto. GInawaran din sya ng titulong “Imperator”, sa kanya nagsimula ang Imperyong Roman.

Limang Siglo ng Imperyo

Pax Romana o Kapayapaang Roman – ang unang dalawa at kalahating siglo na panahon ng katahimikan at kasaganahan.
Umunlad ang kalakalan
Umunlad ang panitikan
Aeneid – isinulat ni Virgil ukol sa paglalakbay ni Aeneas pagbagsak ng troy
Metamorphoses – binigyang buhay ni Ovid ang Greek and Roman Myths.
Pliny – Natural History; tangkang pagisahin ang mga tungkol sa kalikasan
Tacitus – History and Annals; pamamahala ng mga Julian at Flavian Caesar
Livy – from the founding of the city; kasaysayan ng Rome

Mga Emperador pagkatapos ni Augustus

14 C.E – namatay si Augustus at iginawad kay Tiberius ang titulong Imperator
Ang Rome ay nagkaroon ng Ibat’ibang uri ng Emperador, at ito ay nagmula sa Dinastiya ng Julio-Claudian
Caligula (37-41 C.E) – nilustay ang pera sa labanan ng mga gladiator. Siya ay may diperansya sa pag-iisip at nagaakalang sya ay isa ding Gladiator.
Gladiator – karaniwang mga criminal, alipin o bihag na nakikipaglaban sa isat’isa.
Nero (54-68 C.E) – pinapatay nya ang lahat ng ayaw nya kabilang ang kanyang asawa at ina. Inakusahan sya sa pagsunog sa Roma habang natutuwa habang ito ay nagaganap.

Mga Magagaling

Tiberius – magaling ang administrador bagamat isang diktador
Claudius (41-54 C.E) – lumikha ng isang burukrasya na binubuo ng mga batikang administrador.
Dinastiyang Flavian
Vespacian (69-79 C.E)  - maayos sa pananalapi at pagpapatayo ng imprastraktura

Limang Mahuhusay na Emperador o Dakilang Panahon ng Imperyo

Nerva (96-98 C.E) – nagpautang sa bukirin at inilaan sa mga alila
Trajan (98-117 C.E) – narrating ng imperyo ang pinakamalawak na hangganan
Antoninus Pius (138 -161 C.E) – ipinagbawal ang pagpapahirap sa mga kristiyano
Hadrian (117-138C.E) – patakaran nya ang palakasin agn hangganan ng imperyo
Marcus Aurelius (161-180 C.E) – isang iskolar, manunulat at pilosopong stoic
Pilosopong Stoic -  paghahanap ng kaligayahan na makakamtan sa pamamagitan ng banal na kalooban
Humina ang Roma dahil sa mga pananalakay at digmaang sibil

Diocletian at Constantine

Napigil nila ang digmaang sibil
Diocletian (284- 305 C.E) – hinati nya angang imperyo sa dalawa
Despotism – walang takda ang kapangyarihan ng pinuno
Constantine (324C.E) –ipinagpatuloy nya ang despotism, at inilipat sa Byzantium na binigyan ng bagong pangalan alinsunod sa kanya, Constantinople.

Theodosius I (382 – 395 C.E) – huling emperador ng nagkakaisang imperyo. Sa pagkamatay nya ay nahati sa 2 nyang anak. Sina Honorius at Arcadius.

Pamana ng Rome

Sila ang pinakamagagaling na mambabatas
Panitikan
Livius Andronicus – nagsalin ng Odyssey sa latin
Marcus Plautus at Terence- unang manunulat ng comedy
Lucretius at Catullus
Cicero – isang manunulat at orador na nagpahalaga sa batas, ayon sa kanya hindi dapat maapektuhan ang batas ng kapangyarihan at pera
Arkitektura
Stucco- semento o plaster na ipinapahid na pantakip sa labas ng pader
Silang tumuklas ng concrete
Arch – natutunan nila mula sa Etruscan
Basilica-  ipinakilala ng mga Roman
Forum – sentro ng lungsod
Amphitheater – para sa labanan ng mga gladiator
Tahanan
Atrium-  lugar sa loob ng tahanan kung saan madalas tumitigil ang pamilya
Pananamit
Lalaki
Tunic- kasuotang pambahay sa lalaki
Toga- isinusuot ng lalaki kapag lumalabas
Stola – kasuotang pambahay sa babae
Palla- inilalagay sa ibabaw ng stola kapag ang babae ay lumalabas