Aralin 13 : Ang Republic ng Rome at ang Imperyong Roman
Rome (800 B.C.E) – itinatag ng isang sangay ng mga Indo-Europeo, Sila ang mga Latin at napili nilang lugar ay Palatine.
Palatine – isa sa pitong burol malapit sa Tiber River
700 B.C.E
Etruscan – kalapit na tribu sa hilaga at nakatalo sa mga latin; nagdala sila ng mga kaugalian lalo na sa pulitika.
Senate – lupon ng mga tagapayo sa Hari; binubuo ng mga Patrician o mahalagang tao sa Lipunan
Plebeian – binubuo ng mga pangkaraniwang tao.
509 B.C.E – nagrebelyon ang mga Roma laban sa Etruscan at nagtatag ng Republic.
Republic – itinatag ng mga Roma matapos silang mag-alsa laban sa mga Etruscan kung saan ang mamamayan ay humihirang ng kanilang kinatawan sa pamahalaan, at tuluyan nang nawala sa posisyon ang Hari.
Consul – ito ang ipinalit sa pagka-alis ng Hari sa posisyon; 2 ang hinahalal na Consul na mula sa mga Patrician , at may tungkuling pamunuuan ang pamahalaan.
Senate – nang itinatag ang Republic sila ang naging pinakamakapangyarihan.Ito ay binubuo ng 300 na kasapi na hinirang ng mga consul.
Mga Sakop ng Kapangyarihan ng Isang Senate
1. Sakop ang Ugnayang Panlabas o Foreign Affairs
2. May kapangyarihang magpawalang-bisa ng batas
3. Nagbibigay pahintulot sa paggamit ng salapi ng pamahalaan
4. Ang pagkakahirang sa kanila ay panghabambuhay.
Plebeian : Pantay na Karapatan, Ipinaglaban
Assembly – ito ay nilikha upang kumatawan sa karaniwang tao
Tribune – inihalal upang pangalagaan ang karapatan ng mga Plebeian; maaari silang magpawalang –bisa sa kahit anobg batas na mapang- api sa mahihrap.
449 B.C.E – nagtagumpay ang hiling ng mga Plebeian na isulat ang lahat ng Batas ng Rome at isinulat ito sa 12 clay tablet at nakilala bilang Twelve Tables.
Rome : Pinakamakapangyarihan sa Mediterranean
Latin League – isang alyansang itinatag laban sa iba pang tribu sa rehiyon
2 layunin ng Rome sa Pagtatatag ng Latin League
1. Ipagtanggol ang Estado
2. Makakuha ng karagdagang lupang sasakahin
390 B.C.E – sinalakayat sinunog ng Gaul ang Rome, ngunit hindi parin nahadlangan ang layunin ng Rome na itatag ang Latin League. Tinalo nila ng tuluyan ang mga Etruscan sa gitnang Italy.
Magna Graecia o Great Greece – matagal nang tinitirahan ng mga Greek, at ang huling balakid sa pagpapawalig ng kapangyarihan ng Rome.
Pyrrhus – kamag-anak ni Alexander the Great at humingi sa kanya ng tulong ang Greece laban sa mga Roma.
280 B.C.E – tinalo ni Pyrrhus ang lumalawig na kapangyarihan ng Romem subalit tumanggi ang Senate ng Rome sa alok nyang kapayapaan. Sa laking pinsala ng kanyang hukbo, sya ay bumalik sa Greece.
270 B.C.E – madali na lamang tinalo ng Rome ang mga kolonya ng Greece at ito na ang naging pangunahing lungsod sa gitna at timog Italy.
Rome laban sa Carthage
Carthage – itinatag ng mga Phoenician at naging kalaban ng Rome sa Mediterranean.
264 – 146 B.C.E – sumabak ang Carthage at Rome sa tatlong Digmaan na tinatawag na DIgmaang Punic
Punic – mula sa Latin na “Punicus” at Poeni, kung saan kilala ng Romans ang mga Carthaginians.
Unang Digmaang Punic (264 B.C.E – 241 B.C.E)
– nanalo ang Rome. Walang malakas na plota ang Rome subalit naig parin ito laban sa Carthage noong 241 B.C.E. Nagsanay pa ang Rome ng mga sundalo at bilang tanda ng pagkapanalo, sinakop nito ang Sicily, ang unang lalawigan ng Rome sa labas ng territory nito.
Ikalawang Digmaang Punic (218 – 202 B.C.E)
- Sinalakay ni Hannibal, heneral ng Carthage ang Saguntum sa Spain na alyado sa Rome. Kasama ang 40,000 na sundalo tinawid nila ang timog France at Bundok Alps at tinalo ang malaking hukbo sa Cannae, subalit hinintay ni Hannibal ang karagdagang pwersa ngunit sinalakay ni Scipio Africannus, isang Roman General, ang Hilangang Africa. Hindi na nagpatuloy pa si Hannibal at kanyang sinagip ang kanyang kababayan, at sya ay natalo sa labanan sa Zama noong 202 B.C.E. Pumayag ang Carthage sa isang kasunduan na sirain ang plota nito at magbayad taun-taon ng buwis sa Rome.
Ikatlong Digmaang Punic (149 B.C.E – 146 B.C.E)
– matapos ang 50 na taon, sinalakay ng Carthage ang isang kaalyado ng Rome, at sinalakay ng Rome ang Carthage, ginawang alipin ang mga mamamayan at kinuha ang lahat ng mga pag-aari.
Tagumpay sa Silangan
Matapos ang Ikatlong Digmaang Punic, ang mga hukbo ng Rome ay nagtungo sa Macedonia at napasailalim ang iba pang lungsod-estado ng Greece.
100 B.C.E – napasakamay ng Rome ang lahat ng lupain sa may baybayin ng Mediterranean at tinawag ng mga Roman ang Mediterranean bilang Mare Nostrum o Aming Dagat.
Pagbabago dulot sa Paglawak ng Kapangyarihang Roman
· Dinagdagan ng Senate ang kapangyarihan at katanyagan nito at ang mga Assembly ay naging nagapagpatibay na lamang ng mga batas na nais ng Senate.
· Lubos na nasira ang mga sakahan sa Rome sa pamiminsala ni Hannibal, nawalan ng lupang sakahan ang mga magsasaka
· War Booty – yaman na napanalunan sa mga digmaan
· Nakinabang sa mga War booty ang mayayaman at higit nang lumawak ang agwat nito sa mahihirap.
· Nagiba ang ugali ng mga tao tungo sa pamahalaan, naging sakim sila at nabulag sa marangyang pamumuhay.
Ang Banta ng Digmaang Sibil
Tiberius at Gaius Gracchus – magkapatid na tribune; ayon sa kanila, mapanganib sa katatagan ng Republic ang lumalaking agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap.
133 B.C.E – nagpanukala ng batas si Tiberius Gracchus na ipapamahagi ang mga lupain nakuha mula sa digmaan , upang magkaroon ang mga mahihirap ng lupang sakahan. Nais din nyang limitahan ang lupain na maaring ariin ng mga mayayaman. Dahil dito, ipinapatay sya ng isang grupo ng mayayaman.
123 B.C.E – ipinagpatuloy ni Gaius Gracchus ang sinimulan ni Tiberius. Pinapatay ang kanayang mga taga-sunod at sya at nagpatiwakal.
105 B.C.E - Sa pagkamatay ng magkapatid na Gracchus, sumiklab ang serye ng rebelyon at nauwi sa digmaang sibil.
Sulla – naging diktador sa pagbalik ng kaayusan sa Roma, ginawa nyang 600 ang miyembro ng senate at inalis ang karapatan ng assembly na maghain ng batas.
Triumvirate – isang union na mangangasiwa sa pamahalaan; binuo nina Julius Caesar, Pompey, at Crassus.
Julius Caesar
- naging gobernador ng gaul at napalawak nya ito hanggang France at Belgium. Inutusan sya ng senate na bumalik sa Rome ng walang kasamang hukbo ngunit sinalungat nya ito at bumalik sa Rome kasama ang kanyang hukbo. Sa takot kay Caesar, tumakas ang senate kabilang si Pompey sa Greece ngunit hinabol sya ni Caesar at pinatay.
Pagbalik sa Rome sya ay ginawang diktador
· Binawasan nya ang kapangyarihan ng senate at ginawa itong 900 na miyembro
· Binigyan ng Roman Citizenship ang naninirahan sa Italy
· Inayos ang pagbabayad ng buwis
v Nangamba ang senate na baka wakasan ni Caesar ang Republic at maging “rex” o ideklara ang sarili bilang Hari, kaya’t nagplano silang patayin si Caesar.
Marcus Brutus – matalik na kaibigan ni Caesar, kabilang sa mga kasabwat sa pagkamatay nito.
Augustus: Unang Roman Emperor
Octavian – apo sa pamangkin ni Caesar na ginawa nyang tagapagmana bago mamatay.
43 B.C.E – binuo ni Octavian ang Second Triumvirate kasama sina Mark Antony at Marcus Lepidus
Naghati sa kapangyarihan si Octavian at Mark Antony
Rome at Kanluran – Octavian
Egypt at Silangan – Mark Antony
Cleopatra – reyna ng Egypt; napamahal kay Mark Antony at binigyan sya ng lupa.
Nakarating sa Rome ang balak nina Mark antony na sumalakay, Bumuo si Octavian ng hukbo at sa naganap na labanan sa Actium, sinundan ni Mark Antony si Cleopatra at iniwan ang kanyang hukbo, nagpakamatay sila.
Augustus – pangalan na iginawad ng senate kay Octavian na ginagamit patungkol sa isang banal na lugar o banal na akto. GInawaran din sya ng titulong “Imperator”, sa kanya nagsimula ang Imperyong Roman.
Limang Siglo ng Imperyo
Pax Romana o Kapayapaang Roman – ang unang dalawa at kalahating siglo na panahon ng katahimikan at kasaganahan.
Umunlad ang kalakalan
Umunlad ang panitikan
Aeneid – isinulat ni Virgil ukol sa paglalakbay ni Aeneas pagbagsak ng troy
Metamorphoses – binigyang buhay ni Ovid ang Greek and Roman Myths.
Pliny – Natural History; tangkang pagisahin ang mga tungkol sa kalikasan
Tacitus – History and Annals; pamamahala ng mga Julian at Flavian Caesar
Livy – from the founding of the city; kasaysayan ng Rome
Mga Emperador pagkatapos ni Augustus
14 C.E – namatay si Augustus at iginawad kay Tiberius ang titulong Imperator
Ang Rome ay nagkaroon ng Ibat’ibang uri ng Emperador, at ito ay nagmula sa Dinastiya ng Julio-Claudian
Caligula (37-41 C.E) – nilustay ang pera sa labanan ng mga gladiator. Siya ay may diperansya sa pag-iisip at nagaakalang sya ay isa ding Gladiator.
Gladiator – karaniwang mga criminal, alipin o bihag na nakikipaglaban sa isat’isa.
Nero (54-68 C.E) – pinapatay nya ang lahat ng ayaw nya kabilang ang kanyang asawa at ina. Inakusahan sya sa pagsunog sa Roma habang natutuwa habang ito ay nagaganap.
Mga Magagaling
Tiberius – magaling ang administrador bagamat isang diktador
Claudius (41-54 C.E) – lumikha ng isang burukrasya na binubuo ng mga batikang administrador.
Dinastiyang Flavian
Vespacian (69-79 C.E) - maayos sa pananalapi at pagpapatayo ng imprastraktura
Limang Mahuhusay na Emperador o Dakilang Panahon ng Imperyo
Nerva (96-98 C.E) – nagpautang sa bukirin at inilaan sa mga alila
Trajan (98-117 C.E) – narrating ng imperyo ang pinakamalawak na hangganan
Antoninus Pius (138 -161 C.E) – ipinagbawal ang pagpapahirap sa mga kristiyano
Hadrian (117-138C.E) – patakaran nya ang palakasin agn hangganan ng imperyo
Marcus Aurelius (161-180 C.E) – isang iskolar, manunulat at pilosopong stoic
Pilosopong Stoic - paghahanap ng kaligayahan na makakamtan sa pamamagitan ng banal na kalooban
Humina ang Roma dahil sa mga pananalakay at digmaang sibil
Diocletian at Constantine
Napigil nila ang digmaang sibil
Diocletian (284- 305 C.E) – hinati nya angang imperyo sa dalawa
Despotism – walang takda ang kapangyarihan ng pinuno
Constantine (324C.E) –ipinagpatuloy nya ang despotism, at inilipat sa Byzantium na binigyan ng bagong pangalan alinsunod sa kanya, Constantinople.
Theodosius I (382 – 395 C.E) – huling emperador ng nagkakaisang imperyo. Sa pagkamatay nya ay nahati sa 2 nyang anak. Sina Honorius at Arcadius.
Pamana ng Rome
Sila ang pinakamagagaling na mambabatas
Panitikan
Livius Andronicus – nagsalin ng Odyssey sa latin
Marcus Plautus at Terence- unang manunulat ng comedy
Lucretius at Catullus
Cicero – isang manunulat at orador na nagpahalaga sa batas, ayon sa kanya hindi dapat maapektuhan ang batas ng kapangyarihan at pera
Arkitektura
Stucco- semento o plaster na ipinapahid na pantakip sa labas ng pader
Silang tumuklas ng concrete
Arch – natutunan nila mula sa Etruscan
Basilica- ipinakilala ng mga Roman
Forum – sentro ng lungsod
Amphitheater – para sa labanan ng mga gladiator
Tahanan
Atrium- lugar sa loob ng tahanan kung saan madalas tumitigil ang pamilya
Pananamit
Lalaki
Tunic- kasuotang pambahay sa lalaki
Toga- isinusuot ng lalaki kapag lumalabas
Stola – kasuotang pambahay sa babae
Palla- inilalagay sa ibabaw ng stola kapag ang babae ay lumalabas